Home NATIONWIDE 2 hinihinalang kaso ng mpox iniulat sa Soccsksargen

2 hinihinalang kaso ng mpox iniulat sa Soccsksargen

MANILA, Philippines – Inalerto na ang mga awtoridad sa Soccksargen Region matapos maitala ang dalawang hinihinalang kaso ng mpox.

“We have activated the surveillance unit and identified their close contacts, who are now under quarantine,” pahayag ni Dr. Dyan Zubelle Parayao, hepe ng Department of Health-12 (Soccsksargen) Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), sa panayam nitong Martes, Setyembre 2.

Mahigpit na minomonitor ng DOH-12 ang mga pasyente at kumakalap ng datos sa kanilang travel history para matunton ang posibleng pinagmulan ng virus.

Tumanggi naman si Parayao na sabihin ang pagkakakilanlan ng mga pasyente at ang kinaroroonan ng mga ito.

“Health front-liners are closely monitoring them after being informed of the health situation,” aniya.

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa ang RESU ng kumpirmasyon mula sa laboratory tests sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang matukoy kung ang mga sintomas ng mga pasyente ay talagang mpox. RNT/JGC