MANILA, Philippines- Pinatay sa saksak ng isang menor de edad ang binatang pinsan nito habang nag-iinuman sa abandonadong bahay sa
Barangay Tokod, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Police Capt. Joey Flores, Kasibu deputy chief of police, ang nag-iinuman ang biktimang si Junjun, at suspek na si Mon, kasama ang pito pa nitong kaibigan nang bigla na lamang tumayo ang una at sinuntok ang pader ng Bahay.
Umalis sa sobrang takot ang kanilang mga kasamahan ngunit nanatili ang suspek para pakalmahin si Junjun.
Sa kabila nito, pinag-initan ni Junjun si Mon saka sinakal ito.
Dito na nakahanap ng kutsilyo si Mon saka sinaksak ng makailang beses ang biktima.
Namatay on the spot ang biktima habang nakatakas ang suspek.
Sa sumunod na araw, mismong mga magulang nito ang nagturn-over sa suspek sa pulisya.
Nasa kustodiya na ng Kasibu police Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ang suspek.
Siya ay ililipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ang inquest proceedings para sa homicide case. RNT/JGC