Home NATIONWIDE Halos 100 kaso ng rape naitala sa Zamboanga City ngayong taon

Halos 100 kaso ng rape naitala sa Zamboanga City ngayong taon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Zamboanga City ng halos 100 kaso ng rape sangkot ang mga menor de edad mula Enero 2024, ayon sa Zamboanga City Police Office (ZCPO).

Mula Enero 1 hanggang Agosto 28, 2024, umabot sa 95 ang kaso ng rape sangkot ang mga menor de edad.

Sa nasabing bilang, 33 kaso ang naresolba.

Ayon sa pulisya, 85% ng mga kaso ay incest o ang mga sangkot ay mismong kaanak ng mga biktima.

“We have received complaints on rape and this is basically incest by nature. It happens in the household and we acknowledge the presence of this and we really condemn this kind of act,” pahayag ni ZCPO Director Col. Kimberly Molitas.

Idinagdag pa ng mga awtoridad na karamihan sa mga suspek ay gumagamit ng illegal na droga.

“Our campaign on illegal drugs also is basically connected to this dahil sa mga nakikita natin yung mga assailant dito ay mga naka-drugs,” dagdag ni Molitas.

Dahil dito ay mas paiigtingin ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng Safe Spaces Act (RA 11313) sa mga paaralan. RNT/JGC