Home ENTERTAINMENT Goma, nag-rant sa trapik, binasag ng mga netizens!

Goma, nag-rant sa trapik, binasag ng mga netizens!

Manila, Philippines- Agad ding binura pero may nakapag-screen shot sa rant ni Leyte 4th district Richard Gomez dahil sa matinding traffic sa EDSA nitong nakaraan.

Sa social media idinaan ng aktor-pulitiko ang kanyang hanash sa bagal ng pag-usad ng trapiko.

Post niya, dalawang oras na mula sa SM Makati ay nasa EDSA pa rin siya en route to Quezon City.

Kaya tanong niya–isa hanggang dalawang oras pa raw ba siya sa loob ng kanyang sasakyan?

Hirit pa ng aktor, bakit hindi na lang buksan ang bus lane pag ganoong matindi ang traffic?

Nang mga oras kasing ‘yon ay maluwag ang bus lane.

Burado man ay nahagip pa rin ng ilang netizens ang post ni Richard.

Ni isang comment ay walang pumabor sa kanya, bagkus ay “hiyang-hiya” naman daw sila sa kanya na kumportable sa loob ng kanyang sasakyan.

Ikinumpara pa ng mga ito ang kalagayan nila na sa araw-araw na lang ay nkikipagsiksikan, makauwi lang.

Binatikos ng mga netizens ang pagiging entitled ni Richard, unbecoming of a public servant who lacks empathy toward other people.

May mga nag-suggest din na subukan ni Richard na sumakay ng bus kung gusto niya ng maluwag na daan.

Or better yet ay subukan nitong mag-commute nang maranasan din niya ang kalbaryo ng mga ito.

Hindi rin daw ang mga mamamayan ang dapat mag-adjust kundi ang mga nasa gobyerno.

Hiling ng mga netizens sa tulad ni Richard ay magpasa ng batas ukol sa matagal nang problema sa trapiko kesa dumakdak!

Sunud-sunod yata ang pagbibida ng mga “payaso” sa legislative branch ng pamahalaan…haist! Ronnie Carrasco III