Manila, Philippines- Inilabas na nga ng NBI ang CCTV footage kung saan makikitang paalis si Sandro Muhlach sa tinutuluyang hotel patungo sa kung saan naka-check in ang dalawang independent contractors ng GMA hanggang sa makabalik sa kanyang hotel.
This time around, ang nagsi-circulate naman sa social media ay ang medico legal report base sa salaysay ni Sandro.
Dito naman nakatuon ang pansin ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon sa kanya, nowhere in the report is injury in the alleged victim’s anus stated.
Wala rin daw alegasyon na may ipinasok na ari (penis), bagay (object) o instrumento sa bibig ng biktima.
Kung mapapansin din daw sa mga lumabas na CCTV footage ay matuwid ang lakad ni Sandro, na hindi nagtutugma ayon sa ikinaso ng kampo nito na rape by sexual assault laban kina Nones at Cruz.
Nagbigay rin ng opinyon si Garduque kaugnay ng bantang demanda ni Sandro laban sa kanyang mga online bashers.
Aniya, hindi raw masisisi ang mga ito dahil naisapubliko ang nangyari kay Sandro kung saan nakamasid ang mga tao.
Ang kasong rape by sexual assault ay ibinase sa paragraph 2 ng new rape law.
Gayunpaman, nakatakda raw magsumite ng counter affidavit ang kanyang mga kliyente sa September 12. Ronnie Carrasco III