Home NATIONWIDE 71 sa 203 Chinese ships sa WPS, nasa Sabina Shoal

71 sa 203 Chinese ships sa WPS, nasa Sabina Shoal

MANILA, Philippines – Namataan sa Escoda Shoal ang 71 sa 203 barko ng China na naitala ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea mula Agosto 27 hanggang Setyembre 2.

Ang naturang bilang ay binubuo ng 53 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs), siyam na China Coast Guard Vessels (CCGVs), at siyam na People’s Liberation Army Navy (PLAN) warships.

Binabantayan ng mga ito ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard na BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) na nasa Escoda Shoal.

Naroon na ang barko ng PCG mula pa noong Abril na nakapagtala ng pinsala matapos banggain ng mga barko ng China. RNT/JGC