Home METRO 2 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela City

2 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela City

36
0

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na sangkot umano sa droga ang isinelda makaraang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Batay sa report na ipinarating ni Police Investigator P/MSg. Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagkakasangkot umano sa illegal drug activities ni alyas “Henry”, 50, ng C. San Juan St., Brgy., Pasolo.

Dahil dito, inatasan ni SDEU Chief P/Lt. Sherwin Dascil ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar para alamin kung may katotohanan ang naturang report.

Pagdating sa lugar, naaktuhan nina PSSg Paul Bernal at PCpl Isagani Manait ang suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanyang bahay na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto dakong alas-11:25 ng Miyerkules ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 0.17 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,156, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Samantala, huli din sa akto nina PCpl Elmer Olieca at Pat Sherwin Caampued, kapwa nakatalaga sa Police Sub-Station 2 ang 48-anyos na si alyas “Romeo”, na bumabatak rin umano ng shabu sa isang bahay sa San Gregorio St., Brgy., Gen T De Leon pasadoalas-11:20 ng Martes ng gabi.

Nasamsam sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, nasampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutors Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here