Home NATIONWIDE Motorsiklo, cash box narekober sa gumuhong gusali sa Angeles City

Motorsiklo, cash box narekober sa gumuhong gusali sa Angeles City

31
0

MANILA, Philippines – Narekober ang isang motorsiklo at cash box sa nagpapatuloy na search, rescue, at retrieval operations sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.

“Continuous na pagki-clear 24/7. Wala pong tigil. Iba’t-ibang paraan ang ginagawa nating pag-double check kung mayroon pa tayong maaaring isalba,” sinabi ni Bureau of Fire Protection-Region 3 (BFP-Region 3) Public Information Office chief Fire Superintendent Maria Leah Sajili sa panayam ng DZBB.

Nananatili sa anim ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali at 14 ang nawawala.

Hindi naman masabi ng mga awtoridad kung ang mga nawawala ay pawang mga construction workers.

“Hindi kami makapagbibigay kung construction worker lamang ang mga ito… Victim no. 5 at victim no. 6 ay hindi kasama sa construction worker na nawawala. Pagdating sa actual recovery, doon lang natin made-determine,” aniya.

“May nakapag-report sa amin na ‘yung kanya daw mag-ama na nagbebenta po na mayroong parang push cart sa kalsada na may motor [ay posibleng nadamay],” dagdag ni Sajili.

“Kahapon may nakitang mga motorcycle, cash box, at umbrella na nagagamit sa pagtitinda. Indication ito na maaaring pati sila ay nadamay na patuloy naming hinahanap.”

Kaugnay naman sa napaulat na mga paggalaw sa ilalim ng guho, sinabi ni Sajili na umaasiste ang K-9 unit ng Philippine Coast Guard sa pagtunton sa posibleng source ng paggalaw.

Sa kabila nito, hindi agad-agad nangangahulugan na ang mga paggalaw ay mula sa tao. RNT/JGC

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here