Home METRO 2 HVI laglag sa P1.08M shabu sa Pampanga

2 HVI laglag sa P1.08M shabu sa Pampanga

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Pampanga nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 3.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 3 (Central Luzon) chief Brig. Gen. Jose Hidalgo na ang mga suspek ay kinilalang sina alias “Tastas”, 32, at alias “Ris”, 33, na naaresto sa Barangay Quebiawan sa San Fernando City.

Nakuha mula sa mga suspek ang 160 gramo ng shabu na may estimated street value na P1.088 million.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC