Home ENTERTAINMENT Family Feud, naghanda sa Wil to Win; Willie, magpapakawala ng P200M?

Family Feud, naghanda sa Wil to Win; Willie, magpapakawala ng P200M?

Manila, Philippines- Nai-tape na ang itatapat ng Family Feud hosted by Dingdong Dantes sa Wil to Win ni Willie Revillame.

Magaganap ang unang bugso ng salpukan nila sa pilot episode ng W2W sa July 15.

Ang studio ng TV5 sa Novakiches, Quezon City ang gagamitin ng nagbabalik na host.

Matatandaang February 11, 2022 nang magpaalam ang Wowowin sa GMA in favor ng alok ng AllTV kay Willie.

Gayunpaman, nilinaw ni Willie na walang bad blood sa pagitan nila ng GMA.

Sa kabila nito’y pinaghandaan na ng GMA ang kanilang salpukan.

Ang mga maglalaro kasi sa Family Feud sa July 15 ay ang anak ni Willie na si Meryl Soriano.

Bukod kay Meryl ay maglalaro rin ang tiyahin niyang si Maricel Soriano at mga kapatid nito, isa roon ay dating karelasyon ni Willie.

Alas singko y medya umeere ang FF habang alas singko ang W2W.

Balitang magpapakawala ng P200 million si Willie sa pilot episode nito. Ronnie Carrasco III