Home NATIONWIDE Updated AI roadmap isasapinal ng DTI ngayong taon

Updated AI roadmap isasapinal ng DTI ngayong taon

MANILA, Philippines – Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na maisapinal na ang National Artificial Intelligence Strategy Roadmap 2.0 ngayong taon.

Kasama rito ang target ng sector sa artificial intelligence (AI) contribution sa gross domestic produce (GDP), investments at mga trabaho.

Nitong Miyerkules, Hulyo 3, pinangunahan ng DTI ang paglulunsad ng NSAIR 2.0, o ang updated blueprint ng AI sector.

Kaiba sa dating roadmaps ng ahensya, sinabi ni DTI Undersecretary Rafaelita Aldaba na isasama nila ang target figures para sa GDP share, mga mahihikayat na investment, at mga trabahong malilikha sa pagpapatupad ng mga estratehiya, sa oras na maisapinal ang mga target na ito bago matapos ang taon.

“We are still discussing about it because our AI direction is still broad. In terms of (determining) the investments that will be generated, jobs, this is what we are doing now,” ayon kay Aldaba.

“The previous roadmap does not include the ethics, regulatory framework, and principles —they were mentioned but the detailed principles were not identified,” dagdag pa niya.

Ani Aldaba, bagamat kinukumpleto pa ang roadmap, magsisimula na ang DTI ng iba’t ibang proyekto na susuporta sa paglago ng AI industry ng bansa.

Kasama rito ang Center for AI Research, na magiging hub para sa AI-related research and development sa bansa.

Sa paglulunsad, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na umaasang kikita ang bansa ng P2 trilyon taon-taon sa pagpapatupad ng AI solutions sa mga Negosyo. RNT/JGC