Home NATIONWIDE AFP nakakuha ng ‘moral boost’ kay PBBM

AFP nakakuha ng ‘moral boost’ kay PBBM

MANILA, Philippines – NAKAKUHA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng ‘moral boost’ mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang pinuri nito ang mga kalalakihan at kababaihan para sa kanilang katapangan sa pakikipaglaban sa local insurgency at idepensa ang national territory.

Sa CAMP AGUINALDO, Quezon City kung saan isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mid-year Command Conference, ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 4, nangako ang Chief Executive na patuloy nitong susuporthan ang AFP lalo na sa layunin nito na i-adapt ang mga bagong taktika laban sa cybersecurity na naging napakahalaga para protektahan ang mga Filipino mula sa external at internal threats.

Dumalo kasi ang Pangulo sa komperensiya para suriing mabuti ang progreso ng kampanya at mga programa ng AFP para sa first semester at bigyan ito ng karagdagang direktiba.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni General Romeo Brawner Jr, Chief of Staff ng AFP, ang komperensiya kabilang na rin ang top military officers mula sa General Headquarters, AFP-wide Support and Separate Units, Major Services, and Unified Commands, at maging mga commanders mula sa Philippine Army, air force, at naval units.

Sa naturang komperensiya, ipinresenta ng ground commanders ang detalyadong updates ng kani-kanilang operasyon at assessment ng internal at external security threats.

Ipinresenta rin kay Pangulong Marcos ang isang outbrief ng Exercise Balikatan 39-2024.

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin ni General Brawner ang dedikasyon ng AFP na i-develop ang estratehiya at taktika nito para epektibong matugunan kapuwa ang internal at external threats, at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng Pilipinas.

“We are grateful for the guidance of the President. As our Commander-in-Chief, his directives will shape our future plans and programs. We remain steadfast in aligning our efforts with his vision for a secure and peaceful nation,” ayon kay General Brawner Jr. Kris Jose