Home METRO Kelot pinagbabaril sa loob ng pedicab sa Tondo

Kelot pinagbabaril sa loob ng pedicab sa Tondo

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pagpatay sa isang lalaki na natagpuang duguan sa isang pedicab sa Baseco Compound, Manila ngayong Huwebes, Hulyo 4.

Ayon sa ilang residente sa lugar, ang biktima ay tumutulong lamang sa hiniram na pedicab ng kapitbahay at utosan lamang ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakarinig na lamang ang mga residente ng malakas na putok alas-2 ng madaling araw.

Hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng suspek kaya inaalam pa ng pulisya kung sino ang gunman.

Sa ulat, nagkaroon umano ng kaso ng pagnanakaw ang biktima pero sa droga ay hindi naman ito nasasangkot.

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng biktima lalo’t napakabait umano ito.

Nanawagan din ang tiyahin ng biktima sa salarin na sumuko at makonsensya sa kanyang ginawang pagpatay.

Patuloy ang follow up operation ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden