Home NATIONWIDE P467.8M investments sa turismo ng Tawi-Tawi, aprub sa BARMM

P467.8M investments sa turismo ng Tawi-Tawi, aprub sa BARMM

MANILA, Philippines – Nakatakdang itayo ang isang luxury resort hotel na may convention hall at iba pang amenities sa Bongao, Tawi-Tawi para sa mga local at dayuhang turista.

Ayon kay Mohamad Omar Pasigan, chairperson ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao BOI (BBOI), ang P467.8 hotel facility ay itatayo sa Dahuwan Tampeh Resort, na nakakuha na ng go-signal mula sa BBOI sa board meeting noong Lunes, Hulyo 1.

Ito ang isa sa pinakamalaking big ticket investment projects na inaprubahan ng BBOI ngayong taon, na nagpataas sa kabuuang investments na nabuo sa BARMM sa P3.8 bilyon o mas mataas ng 50% sa P2.6 bilyong investment target sa buong taon.

“This marks another significant investment in the BARMM, signifying the growing attractiveness of the region as a tourist destination,” ani Pasigan.

“BBOI is thrilled to welcome Dahuwan Tampeh Resort to the growing roster of tourism establishments in the BARMM,” sinabi pa ni Pasigan.

“We look forward to seeing Dahuwan Tampeh Resort flourish and become a major tourist destination, attracting visitors to experience the unique beauty and culture of Tawi-Tawi.”

Aniya, ang Bangsamoro region ay may potensyal na maging major tourist hub ng bansa sa natural environment nito, mayamang cultural heritage at mainit na pagtanggap ng mga tao.

“This investment serves as a positive indicator of investors’ confidence in the BARMM and the region’s bright future.”

Noong Mayo, inaprubahan ng BBOI ang P74.4 milyong proyekto ng Silong Verandah Mountain Resort sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte.

Inaasahan itong makalilikha ng 45 bagong trabaho. RNT/JGC