Home NATIONWIDE Pagpapalit ng pangalan ng DOH, ‘wa epek’ – Garin

Pagpapalit ng pangalan ng DOH, ‘wa epek’ – Garin

MANILA, Philippines – ‘Wa epek’ ang pagdaragdag ng salitang ‘wellness’ sa pangalan ng Department of Health, ayon kay House Deputy Majority Leader and former Health secretary Janette Garin nitong Huwebes, Hulyo 4.

Ang tugon ni Garin ay matapos sabihin ni Health Secretary Teddy Herbosa na plano nitong baguhin ang pangalan ng DOH at gawing Department of Health and Wellness na pangungunahan ng Chief Longevity Officer, o ngayon ay tinatawag na Health secretary.

“It will not make any difference. Mas maraming malaking problema ang DOH na dapat pagtuunan ng pansin,” sinabi ni Garin.

“[Also] because wellness is actually a part of health,” dagdag pa niya.

Dagdag pa, ang pagpapalit ng pangalan ay nangangahulugan ng dagdag na gastos para sa DOH na hindi naman mangangahulugan na bubuti ang serbisyo sa kalusugan.

“Okay naman ‘yan but you cannot say that it does not entail cost. Magpapalit ka ng logo, from the central office, sa lahat ng ospital, hanggang sa pinakamababang [health] units of government,” sinabi pa ni Garin.

“It is okay if the impact will really be great in terms of public health, pero hindi naman eh. Changing the name could be okay but it will not really make a difference,” dagdag niya.

Dapat umanong tutukan ng DOH ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa, kabilang ang pagpapalakas ng vaccine confidence.

“A lot of people say that dengue can be addressed by killing mosquitos and keeping the surroundings clean, but the World Health Organization (WHO) has repeatedly said, for decades, that there are not enough because mosquitos evolve faster than we can kill them,” anang mambabatas.

“Any vaccine that is demonized will transfer to other vaccine-preventable diseases. Moving forward, we need our people to be more informed about vaccines. Any vaccine that is approved by WHO, accredited by FDA and laboratories, then it should be available to the public,” dagdag pa nito. RNT/JGC