Home METRO 2 HVI, tiklo sa P.4M shabu

2 HVI, tiklo sa P.4M shabu

2
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang drug suspects kabilang ang isang tulak na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga nadakip na sina alyas “Prince”, 24, (HVI) at alyas “Aljon”, 34, kapwa ng residente ng Brgy., 36.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables dakong alas-5:13 ng hapon sa bahay ni alyas Prince sa C. Name St. Brgy. 36, matapos siyang makipagtransaksiyon sa isang tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit.

Bukod sa 64.97 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P441,796.00 na nakumpiska sa dalawa, nakuhanan pa sila ng isang plastic sachet na naglalaman ng 14.76 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P20,664.00 pati na ng P6,500 na markadong salapi na ginamitan ng boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A.916 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act sa Caloocan City Prosecuto’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here