CAVITE- Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang high-value individuals at nakumpiska ang mahigit P1.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Barangay Buhay na Tubig sa Imus City, nitong Martes.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A (PDEA 4A) ang mga suspek na sina alyas Gi, isang 26-anyos na freelance graphic designer, at alyas Kirstein, isang 21-anyos na estudyante.
Nakumpiska sa joint operation ng PDEA 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Cavite Provincial Office, at Cavite Maritime Police ang 1,000 piraso ng hinihinalang ecstasy blue pills na may estimated street value na P1,700,000.
Nasabat din ang mga pakete ng hinihinalang high-grade marijuana o kush na may total standard price na P157,500 at siyam na disposable vape carts na naglalaman ng hinihinalang marijuana na aabot ng P22,500.
Nahaharap ang mga suspek sa drug charges at kasalukuyang nakaditene sa PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna. RNT/SA