Home METRO 2 imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, dadalhin ng...

2 imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, dadalhin ng PCG sa WPS

MANILA, Philippines – Dadalhin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) ang dalawang imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Ito ay matapos idaos nitong Hulyo 5, ang Mass for Peace sa Antipolo Cathedral na sinundan ng pagtanggap ng Philippine Coast Guard Chaplaincy ng dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na regalo ng dambana.

Nagpapasalamat naman si Chief Chaplain Reverend Father Cost Guard Commodore Louie A. Palines kay Rev. Fr. Reynante “Nante” Tolentino, Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ayon sa Pari, ang pasasalamat ay dahil sa layunin ng PCG chaplaincy na higit pang mailapit ang Mahal na Birheng Maria sa mga uniformed personnel.

“Unang-una po sa lahat, nais ko pong pasalamatan ng Rector ng Antipolo Shrine International Shrine of Our Lady of Peace and good Voyage parehas na parehas po ang patrona ng Birhen ng Antipolo sa Antipolo at dito naman po sa ating Philippine Coast Guard. Maraming maraming Salamat, sa lahat ng mga tumulong sa amin sa pagbibigay ng image at ang ultimate na ating layunin na makasama sa ating mga Philippine Coast Guard Personnel, mga Officers sa ating mga panalangin,isama naman natin din ang Mahal na Birhen Maria,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Palines.

Pinasalamatan din ng pari ang PCG sa pakikipagtulungan na palakasin pa ang mga panawagan upang maisulong ang kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Ayon sa pari, napapanahon ang pakikipag-ugnayan ng PCG upang idaos ang Mass For Peace at pagtanggap sa regalong handog ng Antipolo Cathedral na dalawang imahen dahil nahaharap ang buong mundo maging ang Pilipinas mula sa ibat-ibang uri ng digmaan at paniniil hinggil sa mga teritoryo na pinag-aagawan,

Dalangin ng Pari na maging mapayapa ang pagpapadala ng mga imahen sa West Philippine Sea kung saan ilalagak to sa isa sa mga chapels na ginagawa sa lugar.

Bukod sa Mass for Peace ay tinanggap din ng PCG Chaplaincy ang dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na ipinarada mula Antipolo Cathedral hanggang headquarters ng PCG Chaplaincy Chapel. Jocelyn Tabangcura-Domenden