Home NATIONWIDE P29/kilo na bigas sa vulnerable groups ‘not sustainable’ – grupo

P29/kilo na bigas sa vulnerable groups ‘not sustainable’ – grupo

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) nitong Sabado, Hulyo 6 na hindi sustainable ang inisyatibo na pamahalaan na magbenta ng lumang stock ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa halagang P29 kada kilo sa vulnerable sectors.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni PCAFI president Danilo Fausto na “NFA cannot afford to sell its stock because it’s the rainy season already.”

“When a calamity hits… the NFA might not be able to release its stocks,” dagdag pa ni Fausto.

Aniya, maaaring magkaroon ng maling impresyon ang inisyatibo na tinawag na “Bigas 29” na ito ay sustainable.

“Unless the gov’t will shoulder the losses,” ani Fausto.

Sa kabila nito, iginiit ni Department of Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra na ang programa ay sustaibable.

“We are seeing it to be sustainable not only for this year but also for the coming years,” sinabi ni Guevarra sa Saturday News Forum.

Ipinaliwanag niya na regular na bumibili ang NFA ng bigas para sa buffer stocking mandate nito at magbibigay daan ang “Bigas 29” program para maipamahagi ang mga lumang stock ng bigas sa hinaharap.

“So we are seeing it to be sustainable not only for this year but also for the coming years,” ani Guevarra.

Nitong Biyernes, nagsimula na ang large-scale trial ng pagbibenta ng lumang buffer rice stocks sa Kadiwa sites sa Metro Manila at Bulacan.

Ang P29 kada kilo na bigas ay available lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, PWDs at solo parents.

Ani Guevarra, limitado lamang sa 10 kilo kada buwan sa bawat pamilya ang pagbebenta ng P29 kada kilong bigas.

Para sa full implementation ng naturang programa, sinabi ng DA na kailangan ang nasa 69,000 metric tons ng bigas para makapagbenta ng 10 kilo ng bigas kada pamilya sa bawat buwan sa halagang P29 kada kilo sa target na 6.9 milyong tirahan. RNT/JGC