Home NATIONWIDE 2 injured Pinoy seafarers balik-Pilipinas sa Huwebes – DMW

2 injured Pinoy seafarers balik-Pilipinas sa Huwebes – DMW

MANILA, Philippines – Makakabalik na rin ng Pilipinas ang dalawa pang Filipino seafarers na crew ng bulk carrier na True Confidence na inatake ng missile ng Houthi, sinabi ng mataas na opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Two injured [Filipino] seafarers on True Confidence will arrive home via air ambulance on March 14th,” ayon kay DMW officer-in-charge Hans Cacdac posted on X (dating Twitter).

“Whole-of-government team as directed by the President will once again be ready to receive and provide full assistance and support,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ni Cacdac, na ang dalawa ay ginagamot pa sa ospital sa Djibouti City.

Kabuuang 13 marino ang nakaligtad sa missile attack habang naglalayag sa Red Sea. Labing isa (11) sa kanila ang dumating na sa bansa nitong Martes ng hapon, Marso 12.

Nakatanggap ang mga marino ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P50,000 mula sa DMW, P50,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration, at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ito ay bukod pa sa tulong na kanilang natanggap mula sa Liberian-registered shipping company, True Confidence Shipping, sabi ng DMW.

Ang pag-atake sa True Confidence, na iniuugnay sa militia ng Houthi, ay pumatay sa tatlong tripulante kabilang ang dalawang Pilipino.

Ang pag-retrieve ng kanilang mga labi, gayunpaman, ay nananatiling isang hamon dahil naroroon pa rin ang mga banta sa seguridad sa lugar, ayon kay Cacdac. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMMC maglalabas ng panuntunan sa e-bike, e-trike ban
Next article444 bahay nilamon ng apoy