Home METRO MMC maglalabas ng panuntunan sa e-bike, e-trike ban

MMC maglalabas ng panuntunan sa e-bike, e-trike ban

MANILA, Philippines – Maglalabas ng panuntunan ang Metro Manila Council (MMC) sa paggamit ng light electric vehicles bago ang pagbabawal sa e-bike at e-trike sa mga pangunahing kalsada na iiral sa Abril 15.

Ayon kay MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora, tutugunan ng panuntunan ang ilang mga katanungan, kabilang ang pangangailangan ng driver’s license ng mga operator ng e-bike at e-trike kung dadaan sa mga pampublikong kalsada sa Metro Manila.

Ang MMC ay binubuo ng 17 alkalde ng Metro Manila, na isa sa governing boards at policymakers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dagdag pa, sasagutin din sa panuntunan kung maaari bang gumamit ng bike lane ang mga electric vehicle unit.

“There are many classifications of e-bikes and e-trikes. These are what we want to harmonize,” pahayag ni Zamora sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“Part of this time that we are asking for before we implement [the ban] is to align which types of e-vehicles are required to have driver’s license (to drive). Because the LTO [Land Transportation Office] has different categories regarding which vehicles would require licenses to drive. All of these are items that we are fleshing out,” pagpaatuloy niya.

Noong Pebrero 28, nagpasa ng resolusyon ang MMC na nagbabawal sa mga e-bike at e-trike sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sinundan ito ng anunsyo ng MMDA na magmumulta ng P2,500 ang mga drayber na lalabag sa kautusan, at hahatakin ang mga unit kung hindi ito makapagpapakita ng driver’s license.

Dagdag pa sa mga katanungan, nilinaw din ni MMDA Acting Chair Don Artes na tanging ang mga “pedal-assist” bicycles lamang ang papayagan sa bike lane.

Sa kabila ng mga katanungan at kalituhan, sinabi ni Zamora na maglalabas ang MMDA ng final guidelines “so that there wouldn’t be any confusion.” RNT/JGC