Home ENTERTAINMENT Kathryn, sumuporta sa dating child star, pinagtapos ng college!

Kathryn, sumuporta sa dating child star, pinagtapos ng college!

Manila, Philippines- Hindi na kami nagtataka kung bakit blessed ang isang Kathryn Bernardo. Matulungin pala ang dalaga.

Isang dating ka-batch niya sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit ang kapos sa pinansiyal ang pinagtapos niya ng pag-aaral.

Naka-graduate ng kolehiyo ang dating child star sa tulong ni Kath.

In fact, ikinuwento ng direktor ng Goin Bulilit na si Edgar Mortiz ang tungkol sa kabaitan at pagiging matulungin ni Kathryn.

Sabi ni Direk Edgar, “Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko ‘yung nanay ng isang ‘Bulilit’ tapos ikinuwento niya sa ‘kin nu’ng namatay ang tatay ng ‘Bulilit’ na ‘to, ang nagpaaral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman,” pagbabahagi ng veteran actor at direktor.

“Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,” aniya pa.
Ayon naman kay Kath, tinupad lang niya ang pangarap ng tatay ng kanyang dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na makapagtapos ito ng college.

“During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama (Min Bernardo), alam mo ‘yun, sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista ‘yung tao na ‘to.

“And then, naka-receive kami ng message from the mom na ito ‘yung nangyari sa dad tsaka hindi na rin siya nag-artista,” kuwento ni Kathryn.

Naniniwala rin ang Kapamilya actress na karapat-dapat tulungan ang dating child star dahil alam niyang matalino at masipag ito. Hindi na lang niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

“Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga’t kaya mo. ‘Yun ‘yung promise namin ni Mama sa dad niya na tutulungan ka namin.

“Kasi ito ‘yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he’s so smart and alam mo rin ‘yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag,” pahayag pa ni Kathryn. Rommel Placente

Previous articlePadilla sa Senate committee: Quiboloy ‘wag pwersahing tumestigo sa pagsisimula ng DOJ hearing
Next articleMMC maglalabas ng panuntunan sa e-bike, e-trike ban