Home HOME BANNER STORY 444 bahay nilamon ng apoy

444 bahay nilamon ng apoy

MANDAUE, Cebu- UMABOT sa 444 na kabahayan ang tinupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog nitong Lunes, Marso 11 sa ilalim ng Mactan-Mandaue Bridge, Barangay Looc, Mandaue City.

Ayon kay Senior Fire Inspector Leo Andicoy, ng Bureau of Fire Protection, Mandaue City, inaalam pa nila ang sanhi ng sunog na nagsimula bandang 12:08 ng tanghali.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog pagsapit ng 12:22 at tuluyan itong idineklarang fire out alas-2:16 ng hapon.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin sa malakas na hangin at gawa sa light materials ang kabahayan.

Tinatayang aabot sa P1.21 milyon ang tinupok na mga ari-arian.

Nagtulong-tulong rin ang mga kawani ng Mandaue City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) at Mandaue City Social Welfare Services (CSWS) sa 1,537 katao na naapektuhan ng sunog para mabigyan ng tulong gaya ng pagkain at tubig. Mary Anne Sapico

Previous article2 injured Pinoy seafarers balik-Pilipinas sa Huwebes – DMW
Next articleRapist arestado sa Isabela