Home METRO Rapist arestado sa Isabela

Rapist arestado sa Isabela

QUEZON, Isabela – Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang akusadong tinaguriang Top Most Wanted Person o TMWP regional level sa Police Regional Office 4A o PR04A matapos matuntun sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Dahil sa mahigpit na direktiba sa kampanya laban sa kriminalidad at pagtugis sa mga suspek at akusado sa bawat himpilan ng pulisya ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nadakip si Arfie Molina, 40 anyos, may-asawa, magsasaka na tubong Barangay Balubad 2nd, Silang, Cavite.

Matapos ang mahabang pagtatago sa krimen ay matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na TMWP sa PRO4 (Regional Level) sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangunahan ng Joint Tracker Team ng Quezon Police Station sa tulong ng Silang Police Station, Cavite PPO, PRO4A, PIU, IPPO, RIU2, PIT Isabela, PIDMU,IPPO, 201st MC RMFB2, 3rd Mobile Platoon, 1st IPMFC,IPPO at RMU2.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Raquel V Aspiras Sanchez, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Family Court Branch 3, Tagaytay City at walang inilabas na kaukulang piyansa.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco

Previous article444 bahay nilamon ng apoy
Next articleBinay nanggalaiti sa itinayong private resort sa paanan ng Chocolate Hills