BULACAN, Philippines – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagnanakaw ng mga sagradong relic mula sa dalawang simbahan sa San Miguel, Bulacan, kabilang ang silver shield, wings, spear, at sword ng imahe ni St. Michael Archangel.
Naganap ang mga nakawan noong Miyerkules Santo sa Birheng Mapanglunas at noong Marso 27 sa San Miguel Arkanghel Parish. Pinaniniwalaang magkaugnay ang mga insidente at posibleng iisang suspek o grupo ang may kagagawan.
May mga persons of interest na binabantayan ang pulisya kaugnay ng kaso, at tinatayang mahigit P400,000 ang halaga ng mga ninakaw na gamit. RNT/MND