Home METRO Pasaherong Pinoy timbog sa P21.2M tobats sa NAIA

Pasaherong Pinoy timbog sa P21.2M tobats sa NAIA

106
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Airport-Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang senior citizen na pasahero matapos mahulihan ng mahigit P21 milyong halaga ng shabu Biyernes Santo ng hapon, Abril 3.

Kinilala ng NAIA-IADITG ang nadakip na suspek na si alyas Albelito, 62, security officer, at residente ng Barangay 44, Quarry District, Tacloban City, Leyte.

Base sa inisyal na report ng IADITG, naganap ang pagdakip sa suspek bandang alas 4:12 ng hapon sa Secondary Inspection Area, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 1, Pasay City.

Ayon sa IADITG, natiktikan nila ang suspek matapos lumapag ang eroplanong sinasakyan nito sa NAIA Terminal 1 lulan ng Malaysian Airlines flight MH 0704 mula Malaysia.

Isinagawa ng IADITG ang operasyon laban sa suspek sa Secondary Inspection Area, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 1, kung saang nadiskubre sa dala nitong backpack ang 3,120 gramo o mahigit tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P21,216,000.

Bukod sa nakumpiskang shaub ay nasamsam din sa suspek ang kanyang pasaporte, baggage claim, boarding pass, cellular phone, at iba’t-ibang uri ng kanyang identification cards.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay isinumite sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa PDEA custodial facility.

Ang NAIA-IADITG ay binubuong mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here