Home NATIONWIDE 2 Israeli missile boat kokomisyunin ng PH Navy sa Marso

2 Israeli missile boat kokomisyunin ng PH Navy sa Marso

MANILA, Philippines – UPANG palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) inanunsyo ng Philippine Navy (PN) na magko-komisyon sila ng dalawang fast attack interdiction craft (FAIC) na nilagyan ng Israeli-made Spike NLOS (non-line of sight) missiles ngayong Marso.

Kinumpirma ito ni PN spokesperson Commander John Percie Alcos na ang mga FAIC na ito ay mayroong bow number 906 at 907.

“Yung mga newly-delivered na FAICs, these are equipped with NLOS capabilities. (They will be commissioned) next month,” sinabi pa nito.

Nang tanungin kung magkakaroon ng pagkakataon ang mga barko na subukang magpaputok ng kanilang mga armas, sinabi ni Alcos na kailangan nilang suriin sa “TIAC (technical inspection and acceptance committee) team kung magkakaroon ng test firing.”

Kaugnay nito natanggap ng PN ang dalawang FAIC, na kilala rin bilang Acero-class gunboat mula sa Israel noong Nob. 18, 2023.

Samantala, ang mga gunboat ay inihatid sa pamamagitan ng general cargo ship na Kogra Royal at ngayon ay nasa Commodore East Posadas Wharf sa Cavite City para sa pagpapahusay, pagpapanatili, at pagsasanay.

Ang mga platform ay ikomisyon bilang PG-906 at PG-907 sa ilalim ng Acero-class patrol vessels ng Fleet’s Littoral Combat Force.

Ayon pa sa PN ang paghahatid ay bahagi ng FAIC Acquisition Project ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP) Horizon 2 na kinontrata sa Israel Shipyards, na kinabibilangan ng kabuuang siyam na platform, at ang paglipat ng teknolohiya upang palakasin ang kakayahan sa paggawa ng barko ng PN.

Sa paghahatid at nakabinbing pag-commissioning ng PG-906 at PG-907, mayroon na ngayong anim na Acero-class gunboat ang PN.

Nabatid na ang unang dalawang Acero-class gunboat, ang BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902) ay naihatid noong Setyembre 2022 at kinomisyon noong Nobyembre ng parehong taon.

Ang pagkuha ng FAICs ay kabilang sa mga proyekto noong 2019 na inaprubahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Horizon 2.

Ang notice of award para sa FAIC project, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP10 bilyon, ay inilabas noong Enero 5, 2021. Santi Celario

Previous articleTIN verification pwede na online!
Next articleKiskis-ari trip ng manyakis; biktima pumalag ‘jun-jun’ piniga!