Home METRO Kiskis-ari trip ng manyakis; biktima pumalag ‘jun-jun’ piniga!

Kiskis-ari trip ng manyakis; biktima pumalag ‘jun-jun’ piniga!

CEBU, Philippines – Namilipit sa sakit ang isang manyakis na suspek matapos na dakmain at pigain ang maselang bahagi nito ng kanyang biniktima sa loob ng modern jeepney.

Base sa imbestigasyon ay punuan na ang nasabing modern jeep na biyaheng Talisay City patungong Cebu City at nakatayo na ang mga pasahero rito.

Bigla na lamang umano nakaramdam ang 19-anyos na biktima na kinakaskas sa likod niya ang ari ng 28-anyos na suspek.

Noong una ay sinubukan pang bahagyang lumayo ng biktima mula sa suspek para iiwas ang kaniyang likuran pero dumidikit pa rin sa kaniya ang lalaki.

Hindi rin agad muna siya nag-isip ng masama sa lalaki dahil sa sitwasyon at ikinokonsidera niya rin ang pag-preno ng sasakyan.

Hindi naglaon ay napansin niya nang sinasadya na talaga ng lalaki na idikit ang ari nito sa kaniyang likuran.

Dito na hindi nakatiis ang biktima at sa galit ay dinakma niya ang ari ng suspek at piniga-piga.

Bunsod nito nagkaroon ng komosyon sa loob ng jeep at dinala ang suspek at biktima sa pinakamalapit na police station.

Sa huli, nagpasya ang biktima na huwag nang ituloy ang reklamong acts of lasciviousness laban sa suspek. Santi Celario

Previous article2 Israeli missile boat kokomisyunin ng PH Navy sa Marso
Next articleUmaaligid na dambuhalang sawa pinaghahanap pa rin sa Pangasinan