Home METRO 2 itinumba sa inuman sa Abra

2 itinumba sa inuman sa Abra

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos barilin habang nag-iinuman sa Sitio Barbarit, Barangay Cosili East, Bangued, Abra nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 5.

Kinilala ni Police Capt. Cerel Gaspili, Bangued deputy chief of police, ang mga biktima na sina Kieft Marty B. Batalla, 21, ng Barangay Santa Rosa, Peñarrubia, Abra; at Mark Joseph R. Tupasi, 28, ng Barangay Bugbog, Bucay, Abra.

Ani Gaspili, nakikipag-inuman ang mga biktima sa mga katrabaho nila sa isang Bahay nang dumating ang isang lalaki at binaril ang mga ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang mga biktima.

Narekober ng pulisya ang limang empty caliber .40 shells at slug sa crime scene.

Isinasagawa na ang manhunt operations laban sa mga suspek.

Posibleng galit ang motibo sa pagpatay. RNT/JGC