Home NATIONWIDE Siquijor makikinabang sa NIR – Zubiri

Siquijor makikinabang sa NIR – Zubiri

MANILA, Philippines – Umapela si Senador Juan Miguel F. Zubiri sa lahat ng mga tumututol sa pagsali sa Siquijor sa Negros Island Region (NIR).

“I don’t understand why they oppose. But rest assured that the people of Siquijor will benefit from NIR,” sinabi ni Zubiri, sabay-sabing ang mga malalaking regional offices na ilalagay sa Negros Oriental ay ilang minute lamang ang layo mula sa Siquijor.

Noong Hunyo 13, matatandaang isinabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12000 o NIR Act.

Ang NIR ay binubuo ng mga probinsya ng Negros Occidental (including Bacolod City), Negros Oriental, at Siquijor.

Anim na regional offices ng ahensya ng pamahalaan ang ilalagay sa Negros Oriental.

Ito ay ang Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHR), Civil Service Commission (CSC), Philippine Statistical Authority (PSA), Professional Regulation Commission (PRC); Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Tourism (DOT), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Transportation.

Ayon kay Zubiri, madali nang makapagpoproseso ang mga residente ng Siquijor sa mga ahensyang ito atulad ng mga permit, lisensya, certification at iba pang mga tulong.

“A 20-minute pump boat ride to Dumaguete City or Negros Oriental is a much better accommodation than a whole day travel to Cebu, where they might need to spend overnight,” dagdag pa ng senador.

Umaasa si Zubiri na makikita ng mga tumututol sa Siquijor ang magandang epekto nito.

“Give it a chance, and you’ll see the difference,” aniya.

Target na maipatupad na ang NIR sa unang bahagi ng susunod na taon. RNT/JGC