MANILA, Philippines – Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng Filipino-American na nasawi sa Amerika matapos itulak sa paparating na tren.
Ang biktima na si Corazon Dandan ay nasawi nang masagasaan ng paparating na tren sa San Francisco, California.
Matatandaan na suspendido ang pagdinig sa kaso sa 49-anyos na suspek na si Trevor Belmont, tumulak kay Dandan, matapos na hindi ito sumipot sa court date na Hulyo 5.
Ang suspek ay inilarawan bilang may kapansanan sa pag-iisip at palaboy.
“Of course, we want justice to be served but the reality is, at least, from my standpoint he’s a mentally ill person. I don’t really know what kind of justice you’re going to get,” sinabi ng pamangkin ng biktima sa panayam ng ABSCBN News.
“Putting somebody who’s mentally ill in jail is not going to all of a sudden make things better. Whether he’s charged, whether he’s jailed, it’s not going to bring (my aunt) back).”
Sa ulat, bigla na lamang umanong itinulak si Dandan habang paparating ang isang tren sa Bay Area Rapid Transit – Powell Street Station.
Nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo dahilan ng kamatayan nito.
Si Dandan ay 74-anyos at lumipat at nanirahan sa San Francisco noong 1980s. Nagtrabaho ito bilang telephone operator sa loob ng 29 taon sa isang hotel. RNT/JGC