Home METRO Sekyu natagpuang patay sa fishpond

Sekyu natagpuang patay sa fishpond

MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang security guard sa isang fishpond sa Kawit, Cavite.

Ayon sa mga awtoridad, mismong ang kapwa nito sekyu ang sumaksak at pumatay sa biktima.

Sa ulat, nakipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan nito gabi bago natagpuan ang bangkay.

Nakita rin sa lugar ang bolo na ginamit sa pagpatay sa kanya.

Samantala, nakitaan din ng mga bakas ng dugo ang log book at coffee kettle ng biktima sa barracks nito na palatandaang doon naganap ang krimen.

Agad naman na naaresto ang suspek na todo-tanggi sa ginawang krimen.

Nahaharap ang suspek sa reklamong murder. RNT/JGC