Home NATIONWIDE 8 kabataan sugatan sa bumigay na treehouse sa campsite sa Laguna

8 kabataan sugatan sa bumigay na treehouse sa campsite sa Laguna

MANILA, Philippines – Sugatan ang walong kabataan matapos na bumigay ang isang treehouse sa Barangay Lambac, Pagsanjan, Laguna nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 5.

Kinilala ang mga biktima na sina Ashley Nicole Soriano, 17; Mary Rose Guevarra, 17; Lyra Magahis, 12; Dovely Montelora, 14; Romarie Bacani, 14; Anthony Rodriguez, 15; Allan Bosito, 18, at Aldrich Navarro, 15.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng treehouse ang mga kabataan nang bigla na lamang itong bumigay at mahulog ang mga ito sa lupa.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang mga biktima na agad dinala sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz, Laguna. RNT/JGC