MANILA, Philippines – Binaril-patay ang isang drayber sa Barangay Mungo, Tuao, Cagayan nitong Huwebes, Hulyo 4.
Kinilala ni Police Major Jun Jun Balisi, Tuao police chief, ang biktima na si Dindo, 38, residente ng Barangay Divisoria, Santiago City, Isabela.
Ani Balisi, nagbibilang ng pera ang biktima sa harap ng bahay ng employer nito na isang negosyante nang dumating ang salarin na sakay ng motorsiklo at barilin sa ulo gamit ang handgun.
Agad na nakatakas ang suspek habang dinala naman sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay na.
Nagpapatuloy ang follow-up investigation sa insidente.
Mayroon na ring person of interest ang pulisya. RNT/JGC