Manila, Philippines- Patunay na patas at pantay-pantay ang turing ni Coco Martin sa kanyang mga artista sa Batang Quiapo is the way he treats his own two brothers.
Sina Ronwaldo at Ryan Martin ang latest addition to the growing cast of characters in the primetime series.
Gumaganap ang dalawang kapatid na ito ni Coco sa tunay na buhay bilang Santino at Dolfo, respectively.
Binigyang katwiran ng aktor-direktor ang pagkuha sa kanyang dalawang kapatid.
Aniya: “Kung iba nga, eh, natutulungan ko…bakit hindi sila?”
Pero hindi raw ibig sabihin niyon ay VIP o special treatment ang ine-enjoy ng mga ito.
Ayaw raw mapahiya ni Coco sa mga boss niya sa ABS-CBN na kukuha rin lang siya ng mga artista’y kadugo pa niya kahit hindi naman marunong umarte.
Maging sina Ronwaldo at Ryan din daw ay hindi niya kasama sa isang tent.
His brothers are with their co-actors para hindi rin gamiting puntos laban kay Coco.
Istrikto kung istrikto raw si Coco pagdating sa trabaho–walang kapa-kapatid.
Katwiran niya: “Wala naman kami sa bahay, eh!”
Speaking of bahay, it will make you admire Coco even more to know na pinagpagawaan pala niya ng sari-sariling bahay ang kanyang mga kaanak.
Nasa iisang compound in the same village ang mga bukod na tirahan ng kanyang ama’t ina at mga kapatid.
May pangyayari pa nga na kinailangang ipatibag ni Coco ang dati niyang bahay nang mapansin niyang malaki ang kanyang kuwarto kumpara sa mga kapatid niya na maliit.
Patapos na raw ang construction nang mapansin niya ‘yon.
Dahil ipinatibag niya ang malaking bahagi ng bahay niya’y parang nagtapon lang siya ng P11 million. Ronnie Carrasco III