Home ENTERTAINMENT Kris, damay sa isyu ni Ai Ai?

Kris, damay sa isyu ni Ai Ai?

Manila, Philippines- Ano’ng kunek? Ano’ng kinalaman? Ano’ng relevance?

Ilan lang ito sa mga tanong ng ibang mga netizens na may malawak na pang-unawa’t pag-lisip sa isyung sangkot si Ai Ai de las Alas.

Tulad ng alam ng lahay, it was Ai Ai who confirmed ‘yung paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan, her partner of 10 years.

Itinaon ng Comedy Queen ang pag-amin sa mismong 60th birthday niya nitong November 11 sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ikinuwento ng komedyana na nakipagkalas daw si Gerald thru Messenger, madaling araw dito noong October 14.

Hindi na raw kasi masaya ito sa kanyang piling.

Walang ibang nasa isip ni Ai Ai kundi ang kawalan niya ng kakayahang bigyan si Gerald ng pinapangarap nitong anak because of her age.

Pero klaro naman daw kay Gerald ang katotohanang ito when they were starting to build a relationship.

Ang latest–at tulad ng maraming ispekulasyon–kaya raw nakipaghiwalay si Gerald kay Ai Ai ay dahil may nabuntis itong ibang babae.

Kallangan daw panagutan ni Gerald ang kanyang ginawa.

Habang sinusulat ito’y hindi pa ito kumpirmado bagama’t inamin ni Ai Ai na malakas ang kanyang kutob na may third party involved.

Nagkaroon na raw kasi sila ng trust issues when Gerald cheated on her years ago.

Bagama’t okey lang na naka-concentrate kina Ai Ai at Gerald ang issue, hindi naman maintindihan ng ibang netizens kung bakit damay sa usapin si Kris Aquino.

Dating malapit na magkaibigan sina Kris at Ai Ai.

Ito ‘yung panahong tumulong pa si Ai Ai sa kampanya para sa kuya ni Kris na si Noynoy.

May netizen kasi na ikinukumpara ang kasalukuyang sitwasyon nina Kris at Ai Ai.

“Si Ai Ai, heartbroken samantalang masaya ang lovelife ni Kris!”

Pinalagan naman ito ng isang maka-Ai Ai: “Why compare?!”

Ang nobyo kasi ngayon ni Kris ay ang resident surgeon ng Makati Medical Center na si Dr. Mike Padlan. Ronnie Carrasco III