SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN — Dalawang kaso ng monkeypox (MPOX) ang naitala sa lungsod, ayon sa City Health Office (CHO) nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 19.
Ayon sa ulat, fully recovered na ang dalawang pasyente na pinaniniwalaang nahawa sa labas ng lungsod base sa isinagawang imbestigasyon. Parehong nakaranas ng mild symptoms, partikular ng skin rashes, ang mga tinamaan ng virus.
Tiniyak ng CHO na kontrolado at mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon, kasabay ng pagsasagawa ng contact tracing upang matukoy ang iba pang posibleng nahawa.
Dagdag pa ng tanggapan, patuloy ang kampanya sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman hinggil sa sakit upang maiwasan ang pagkalat nito sa komunidad.
Hinimok din ng City Health Office ang publiko na ugaliin ang proper hand washing, lalo na pagkatapos humawak ng bagay na maaaring kontaminado. Ayon sa mga eksperto, ito pa rin ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Dick Mirasol III