Home NATIONWIDE 2 kawani ng BIR, timbog sa ‘direct bribery’

2 kawani ng BIR, timbog sa ‘direct bribery’

367
0

MANILA, Philippines – Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Taguig City ang inaresto matapos umano’y manghingi ng ₱600,000 kapalit ng pagbaba ng buwis ng isang kumpanya, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek na sina Grace Rikelle Lapu-os, Group Supervisor ng BIR Revenue District Office 044, at ang kanyang assistant na si Mila Yanson. Naaresto sila sa entrapment operation noong Setyembre 29 matapos tanggapin ang marked money mula sa Hitch Park Solutions, Inc., na nagsampa ng reklamo.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery sa ilalim ng Revised Penal Code, at Code of Conduct for Public Officials and Employees.

Kasama rin sa reklamo si Revenue Officer Elisha Nesrin Dimayacyac na umano’y nakipagsabwatan kay Lapu-os upang ibaba ang tax assessment ng kumpanya mula ₱36 milyon hanggang ₱800,000, kung saan ₱200,000 lang ang may resibo at ang ₱600,000 ay idadaan sa sobre.

Binigyang-diin ni Santiago na tuloy-tuloy ang operasyon laban sa katiwalian. “Babala sa ating kasamahan sa gobyerno, seryoso po ang utos sa amin ng ating Pangulo na tapusin itong lahat ng klaseng korapsyon,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here