Home METRO 2 kelot, dedo sa pamamaril sa Tondo

2 kelot, dedo sa pamamaril sa Tondo

1
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Molave Extension, Barangay 194, Tondo, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), kapwa duguan nang matagpuan ang mga biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40.

Batay sa salaysay ng ilang residente, apat na armadong lalaki na nakasuot ng mask at hood ang pumasok sa bahay at pinagbabaril ang mga biktima bago mabilis na tumakas dala ang kanilang mga armas.

Nagsasagawa na ng follow-up operation at backtracking ang MPD. Sinusuri rin ang mga CCTV footage sa paligid upang matukoy ang pinanggalingan at direksyon ng pagtakas ng mga suspek.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here