ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Oaig Daya, Candon City ng lalawigang ito kagabi, Pebrero 23.
Ayon sa mga awtoridad, ang dalawang naarestong suspek ay isang 21-anyos na construction worker na residente ng Sta. Lucia, Ilocos Sur at isang 23-anyos na rerisdente ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Candon CPS (lead unit) kasama ang RID, 103rd MC RMFB1, 2nd ISPMFC, ISPDEU, Sta. Lucia MPS at PDEA RO1.
Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang sa 2.2 gramo ng marijuana leaves with buds na tinatayang nagkakahalaga ng P264.
Bukod sa isang sachet na marijuana leaves with buds, may nakumpiska rin ang mga awtoridad na non-drug evidence.
Ginawa mismo ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya doon mismo sa site, sa harap ng mga mandatory witness at ng suspek. Rolando S. Gamoso