Home METRO 2 kelot, tinangay ng rumagasang ilog sa Tarlac

2 kelot, tinangay ng rumagasang ilog sa Tarlac

1
0

TARLAC CITY, Philippines – Isang lalaki ang muntik nang tangayin ng rumaragasang Tarlac River habang sinusubukang tumawid sa kabila sa gitna ng masamang panahon, ngunit nailigtas siya. Patuloy namang nawawala ang kanyang kasama, ayon kay Tarlac City Mayor Susan Yap nitong Martes.

Dinala sa Tarlac Provincial Hospital si Roy Mallari, na nakaligtas, para sa pagsusuri at gamutan. Patuloy naman ang paghahanap kay Raymond Montenegro. Ayon kay Yap, posibleng nakainom ang dalawa batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

Nagpaalala ang pamahalaang lungsod na mahigpit na ipinagbabawal sa mga residente ang paglangoy, pagtawid, o pananatili malapit sa Tarlac River dahil sa panganib.

“Pakiusap, huwag nang maging matigas ang ulo. Unahin ang kaligtasan. Huwag na nating ilagay sa panganib ang ating sarili at huwag nang dagdagan ang panganib at trabaho ng ating Rescue Team, lalo na’t nagpapatuloy pa ang search and rescue operations,” pahayag ng city government.

Patuloy ang search and rescue operations para kay Montenegro habang nananatiling masama ang lagay ng panahon sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here