Home METRO 2 kelot tinutugis sa pag-atake sa aroganteng kapitbahay sa Cebu

2 kelot tinutugis sa pag-atake sa aroganteng kapitbahay sa Cebu

MANILA, Philippines – Tinutugis ng kapulisan sa Toledo City, Cebu ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang responsible sa panununtok at pamamaril sa kapitbahay nito sa Sitio Buswang, Barangay Cambang-ug nitong Huwebes, Hulyo 4.

Ang insidente ay nangyari bandang alas-8 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Johnny Largo, 30, at isang “Jaybe,” na nagsabi umano kay Roy Abarquez Isidro na napaka-arogante nito bago suntukin sa mukha at barilin sa binti.

Nakainom ang dalawang suspek nang mangyari ang insidente.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na personal na galit ang motibo ng pamamaril ng mga suspek kay Isidor.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo si Isidro sa gilid ng ilog nang dumating ang dalawang lalaki.

Dito na sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha saka binaril sa binti bago tuluyang tumakas.

Nananatili sa ospital si Isidro.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawang suspek. RNT/JGC