Home METRO Dahan-dahang phaseout sa POGO mas mainam kaysa total ban – PAOCC exec

Dahan-dahang phaseout sa POGO mas mainam kaysa total ban – PAOCC exec

MANILA, Philippines – Mas gugustuhin ng opisyal mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang dahan-dahang phaseout sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kaysa sa total ban.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na ang dahan-dahang pagpapalayas sa POGO at tradisyunal na mekanismo ay magdudulot ng tuluyang pagbuwag sa mga scam farms.

“So, siguro before we direct ourselves to a discussion on total ban, we could probably revisit discussions of phaseout,” ani Casio.

Nilinaw niya na ang desisyon sa POGO ay isang policy issue.

“That is way… way, way, way above my pay grade. So, on matters like that, we would defer to, first our Executive Secretary (Lucas Bersamin) who’s the chairman of our commission,” dagdag pa ng opisyal.

Anuman ang rekomendasyon na ibigay ni Bersamin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang chief policymaker umano ay “we’ll leave it to him. We defer to his decision.”

Sa ngayon ay mayroon na lamang 42 POGOs ang legal na pinatatakbo sa Pilipinas. Isa sa Kawit, Cavite at ang iba ay sa Metro Manila.

Nasa 298 POGO licenses ang kinansela ng pamahalaan ngunit may ibang illegal pang pinatatakbo sa ibang bahagi ng bansa.

“So kung mayroon ka sa Northern Luzon, Central Luzon, Calabarzon, Bicol all the way to Mindanao and Central Visayas, ibig sabihin lahat iyon ilegal,” ani Casio.

“A good number of them have gone underground,” dagdag niya. RNT/JGC