Home METRO 2 komunistang tricycle driver sumuko sa mga parak sa Bulacan

2 komunistang tricycle driver sumuko sa mga parak sa Bulacan

216
0

BULACAN, Philippines – Boluntaryong sumuko ang dalawang dating miyembro ng komunistang grupo sa 2nd PMFC Headquarters sa Brgy. Sampaloc, San Rafael nitong hapon ng Enero 5.

Sa ulat ni PMAJ Michael M. Santos, Acting Force Commander, kinilala ang mga sumukong rebelde na sina alyas “Ka Jaguar”, 61 at Ka “Clowie, 46, kapwa tricycle driver ng Brgy. Mapulang Lupa.

Ayon sa ulat, ang mga sumuko ay dating miyembro ng NAAC/KADAMAY na nagsuko ng Remington shotgun at limang bala nito.

Sa kasalukuyan, ang mga sumuko ay nasa constructive custody ng 2nd PMFC para sa wastong dokumentasyon at paghahanda ng custodial debriefing report.

Layunin umano ng prosesong ito na makakalap ng mahahalagang impormasyon na maaaring magamit sa pagpaplano at pagsasagaawa ng mga susunod pang law enforcement operations.

Sinasabing ang pagsuko ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bulacan police sa pamumuno ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director, na isulong ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga indibiduwal na piliin ang mapayapang landas at muling makapamuhay nang maayos sa komunidad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here