Manila, Philippines – Marami talaga ang naiinggit sa isang Sunshine Cruz kaya kung anu-anong mga intriga ang ibinabato sa aktres, huh!
May magagawa pa ba ang mga nang-iintrigang mga ito dahil sa totoo lang naman ay kitang kita na super in love kay Shine ang super rich na negosyanteng si Atong Ang.
Puring puri ng mga barkada ni Atong si Sunshine dahil hindi raw ito abusada.
Hindi “bilmoko girl” si Sunshine.
Kuntento ito sa kung anumang meron siya at kung may mga ibibigay man sa kanya ay hindi basta basta tinatanggap ng aktres.
Hindi siya basta basta tumatanggap ng nga materyal na regalo mula kay AA, huh!
Kagaya raw nang pinadalhan siya ng isang luxury car, pinasauli niya ito agad.
Dalawang beses nang pinadalhan ang aktres ng mas higit na mas mahal kaysa sa unang kotse na ipinadala sa kanya pero isinauli pa rin niya ito, huh! Jimi Escala