Home NATIONWIDE 2 lalaki itinumba sa Bataan

2 lalaki itinumba sa Bataan

1
0

BATAAN- Patay ang dalawang lalaki na kapwa umano “game fowl breeder”, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin na nagpanggap umanong delivery rider nitong Martes ng gabi sa Barangay Alion, Mariveles.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-sais ng gabi sa Sitio Ilaya, Barangay Alion.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima ng sina Dane Viray Calimbas, 44 anyos at Joel Roque Villanueva, 47 na kapwa mga residente sa naturang lugar.

Nagtamo ng tama ng maraming tama ang mga biktima na dead on the spot sa pamamaril.

Nagsasagawa na backtracking ang mga awtoridad para sa posibleng matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa pamamaslang.

Gumugulong pa ang imbestigasyon sa krimen. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here