MIDDLE EAST – Naharang ng US military nitong Martes, Hulyo 28 ang multiple ballistic missiles na inilunsad ng Iran patungo sa pwersa ng US sa Middle East at sinabing ang pwersang Amerikano ay nananatiling naka-alerto.
Hindi binanggit ng US Central Command ang eksaktong lokasyon na tinarget umano ng Iran.
Sa ulat naman ng Axios, sinabi nito na target ng ballistic missiles ang US base sa Jordan, ngunit naharang ang mga ito.
“Islamic Revolutionary Guard Corps forces launched multiple ballistic missiles from Iran in an attempted surprise attack on US forces based in the Middle East. All Iranian missiles were successfully intercepted,” sinabi ng US Central Command. RNT/JGC