Bulacan- Isang alsadong bangkay ng lalaki ang nadiskubre ng mga residente na palutang-lutang sa ilog ng bayan ng Paombong.
Sa report ng Calumpit rescue, ang bangkay ay tinatayang nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’4″ hanggang 5’6″, may katamtamang katawan, nakasuot ng itim na short at t-shirt.
Ayon sa report, natagpuang palutang-lutang ang alsadong bangkay nitong umaga ng Martes, Oktubre 29 sa ilog sakop ng Brgy. San Isidro, Paombong.
Sinasabing bandang alas-12:50 ng hapon nitong Linggo ay may napaulat na isang lalaki ang nalunod sa ng Brgy. Gatbuca, Calumpit.
Dahil dito, nanawagan ang kinauukulan sa mga Kalumpitenyo na maaaring makipag-ugnayan sa kanila sakaling tumugma sa nasabing bangkay.
Samantala, isang lalaking grade 8 student ang nagtampisaw hanggang sa malunod at mamatay sa ilog malapit sa tulay ng Brgy. Atlag, Malolos nitong hapon ng Lunes, Oktubre 28, ayon na rin sa nag-viral na post sa Facebook
Bumuhos ang pakikiramay ng mga kakilala at kaanak ng mga nasawi sa magkahiwalay na insidente. Dick Mirasol III