MANILA, Philippines- Magpapadala pa ng karagdagang medical teams ang Department of Health (DOH) upang tumulong sa mga komunidad sa Bicol region na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Kasama sa mga ipadadala ng DOH ang 39 doktor, nurse at katuwang na health professionals na sasakay sa C-130 aircraft patungong Naga City General Hospital.
Bilang karagdagan, 52 medical personnel ang tutulak sa lugar “by land” upang suportahan ang ilang ospital sa Cabusao,Camarines Sur.
Magbibigay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng sasakyan kasabay ng DOH ambulances na may kargang mahahalagang medical supplies.
“Disaster response systems for helath are operational and in place,” sabi ni Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden