Home METRO 2 lalaking sinita sa ‘no helmet policy’ nabisto pa sa dalang baril,...

2 lalaking sinita sa ‘no helmet policy’ nabisto pa sa dalang baril, arestado

MANILA, Philippines – Tatakas pa sana ang dalawang lalaki makaraang sitahin dahil walang suot na helmet at nabisto pa sa dalang baril habang magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City kahapon, Hunyo 15.

Batay sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office Chief P/Capt. Marcelina Pino, rumesponde ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-Station 2 sa isang tawag sa 911 hinggil sa ilegal na nag-iinuman sa pampublikong lugar sa Brgy. 130, dakong alas-3:50 ng madaling araw.

Habang papunta sa lugar, napansin ng mga pulis ang dalawang kahinahinalang lalaki na kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo na may takip ang plaka.

Nang kanilang parahin, tinangka ng mga suspek na tumakas subalit, agad din naman silang nakorner ng humabol na mga pulis at maaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa isa sa mga suspek ang walang lisensiyang baril na isang kalibre .45 pistola na kargado ng walong bala sa magazine at isang cellphone habang kinumpiska din ang gamit nilang motorsiklo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority), R.A 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009), at R.Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Merly Duero